Wednesday, January 30, 2013

Tara Kain Tayo...




 Hindi mawawala sa hapag kainan ang ADOBO. Ito ay isa sa mga sikat na putahe ng Pilipinas at ito'y niluluto sa loob at labas ng Pilipinas. Ang sahog o sangkap ng adobo ay suko,toyo,bawang,sibuyas,paminta at manok o baboy. Ang adobo ay hindi lang puro karne kundi pwede ring lamang dagat.
Ang sisig ay nag-mula sa Pampanga na inimbento ni Aling Lucing. Kadalasan ang sisig ay ginagawang pulutan na may kasamang beer. Ang sisig ay nakasasama rin sa kalusugan ng tao dahil puro ito taba na maaaring sanhi ng hypertensyon kaya ang iba inirerekomenda ang ibang order ng sisig tulad ng chicken,bangus o tofu sisig.
Ang Kare-Kare ay isang putaheng pinoy na nagsimula sa Pampanga.  ito'y hindi mawawala sa hapag ng mga pinoy lalong lalo na kung may pista. Ang pagkaing ito ay napaka sustansya dahil ang mga sangkap nito ay talong,sitaw,petchay,puso ng saging at bagoong na maganda sa ating kalusugan.

No comments:

Post a Comment